Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.
Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
Mga Tauhan:
Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
Ang amain ni Isagani
Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
No comments:
Post a Comment