Kabanata 35

Ang Piging
Buod

Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.

Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni’t wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan.

Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan.

Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.

Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio.

Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio.

Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahy. Nguni’t hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin!

Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.

Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito.

Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat.

MANE THACEL PHARES

JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot sa takot.

Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro.

Nguni’t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi .

Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan.

Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog.

No comments:

Post a Comment