MGA POSIBLENG TANONG

1. Sino si Sandoval?
Sagot
Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila.
2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez?
Sagot
Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan.
3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento?
Sagot
Sila ay mapagkumbaba.
4. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga?
Sagot
Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas.
5. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun?
Sagot
Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral.
6. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso?
Sagot
Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.
7.Bakit hinimatay si Padre Salvi?
Sagot
Dahil sa takot sa tinawag na ulo.
8. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis?
Sagot
Kay Ibbara.
9. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni Imuthis?
Sagot
Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal.
10. Paano nabigyan ng bansag na “Buena Tinta” si Don Custodio?
Sagot
Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kani-kanino.
11.Paano siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin?
Sagot
Sa tulong ng salapi ng kanyang mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga paggawa ng pamahalaan.
12. Ano angpalagay ni Don Custodio sa mga Pilipino?
Sagot
Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan
13. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siya’y hirap na hirap ditto at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos na
ang hirap niya?
Sagot
May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang mabahiran ng maruming kahapon.
14. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas?
Sagot
Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang bayang Pilipinas.
15. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik?
Sagot
Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni Simoun na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa.

3 comments: